1. Spoiler: Dalaw (Directed by Dondon Santos)

    Si Kris Aquino eh nag-asawa ng bago sa katauhan ni Diether Ocampo na nagngangalang Anton (Anton nanaman from Feng Shui).

    Bago nag-asawa si Kris, meron siyang naunang asawa na si Danilo tapos may anak silang isa.

    Binabagabag si Kris ng isang kaluluwa na akala nila eh yung pumanaw na asawa niyang si Danilo. Tapos tino-torment sila nung kaluluwa, nagkaka-aksidente sa pamilya (nauna nang na-aksidente yung nanay ni Diether na si Susan Africa na pumapel nanaman bilang isang nanay na may sakit).

    Tapos ang totoo pala eh akala nila na yung pumanaw na asawa ni Kris ang nanggugulong kaluluwa pero hindi pala kasi yung dating gelpren pala ni Diether yun na buntis tapos “hindi sinasadyang” nasaksak niya ito nung minsang magkasama sila sa kotse.

    Dahil natakot si Diether na makulong, inilibing niya sa isang maputik na lugar si Karylle na kanyang ex-girlfriend kahit buntis ito sa anak nila.

    Ang paraan para matapos ang panggugulo ng kaluluwa eh putulin ang anumang nag-uugnay sa kanila (sa kaso nila, litrato ni Karylle).

    Namatay si Diether, habang binabasbasan ng pari yung bangkay ni Karylle na pinuntahan nila dun sa lugar na pinaglibingan, sa pamamagitan ng pagsaksak ng kaluluwa ni Karylle sa likod nito tapos nabagsakan pa siya ng napakapayat na puno ng Palm or Niyog yata.

    Dahil nasunog ang picture ni Karylle, nasunog na din siya dun sa “climax” ng fight scene nilang dalawa ni Kris.

    Binenta ni Kris yung bahay nila ni Diether tapos nung pasakay na sila sa taxi nung anak niya eh merong goo na nag-ooze mula sa likod ng taxi na sumisimbulo na hindi tagumpay ang pagkakapatay sa kaluluwa ni Karylle.

    1. sichenleyako reblogged this from marianojuancho
    2. jenn4u2luv said: sumisimbulo na hindi tagumpay ang pagkakapatay sa kaluluwa ni Karylle: simbolo rin na posibleng may part 2. haha
    3. marianojuancho posted this