1. Into The Wild

    doon sa kagubatan
    tayo maglampungan
    makati man ang damo
    sa ating katawan
    walang makaalam
    ng ating kamunduhan
    magalusan man ng talahib
    ang ating mga hita
    sarap naman ang kapalit
    ng bawat saglit
    matuklaw man tayo ng ahas
    at mamatay sa kamandag nito
    okay lang mahal ko
    tinuklaw ka naman ng ahas ko

    doon sa kagubatan
    tayo magmahalan
    mga panganib dito
    di natin alintana
    mga puno’t halaman
    mga hayop at insekto
    ang saksi
    sa kung paano natin
    kinalbo ang kagubatan

    1. abakadamachine reblogged this from marianojuancho
    2. marianojuancho posted this