1. May bulate nanaman sa toilet, as usual, nataranta nanaman si ate

    Yung bulate eh nasa labi na ng bowl at papasuot dun sa upper part ng lid (sa parte ng toilet na pinanggagalingan ng tubig kapag nai-flush).

    Binuhusan ko at hindi siya na-flush, bagkus eh sumuot lang dun sa upper part ng lid. So andun pa din siya sa toilet.

    Pero hindi ko na sinabi kay ate, at binanggit kong napalubog ko na ang bulate para makaihi na siya nang matiwasay at walang pangamba.

    Tulad ng buhay, kailangang magsinungaling paminsan-minsan para sa ikagaganda ng sitwasyon. Maaaring nilalabag mo ang sarili mong kunsensya, subalit mananalo naman ang magandang resulta.

    Tulad ng pag-ibig, darating ang panahon na sa punto ng isang relasyon ay kailangan mong sabihin na napalubog mo ang bulate kahit hindi naman talaga.