-
Sunday Bullets
- Galing kame nila Gugol, Ghing, at Kath sa Grill Republic kagabi para magsaya at kumain ng malaking burger pero nung nai-serve na yung malaking burger eh nilantakan na namin agad dahil sa excitement at gutom nang bigla na lang kameng may mapansing kakaiba at yun pala ay ang hindi sariwa, or at least maayos na quality, ng karne ang naibigay sa amin at yun yung tipo ng karne na makati na sa ngalangala at nangangagat na ng dila so inireklamo namen yun at pinalitan siya ng tokwa-like substance on a sizzling plate tapos matigas ang ulo namen at umorder pa kame ng isa pang giant burger sa pag-aakala namen na hindi naman kailangang bayaran yung naunang burger pero mali kame dahil sinisingil pa din kame dun sa naunang panis na burger with the defensive statement na mustard lang daw yun at hindi naman sira ang karne pero obvious naman dahil iba na yung lasa nung pangalawang monster burger at hindi nila kayang lansiin yung matalas na panlasa ni Kath, so nagreklamo kame pa din kame pero ang sabi nung waiter eh dapat daw hindi namin ginalaw at kinain dahil nga daw sira naman pala yung karne, na sinabi naman ni Gugol na yun nga daw ang mali dahil nakain namin bago pa namin namalayan pero matigas sila kaya pumayag na lang kame na bigyan kame ng discount para sa isang panis na burger.
- May ipis yung inumin nila at akala ni Kath eh chocolate bits kasi yun ang flavor ng inumin na Mudshake kuno daw.
- Inubos na lang namen yung beer tapos pumasok na ako kaninang umaga sa opisina nang hindi naliligo at hindi kumakain at pati yung kaopisina kong may sipon eh sinabing amoy alak daw ako pero dalawang gwardya ng opisina ang dinaanan ko’t hindi man lamang ako sinita.
- Ang kati ng ulo ko dahil hindi ako naligo ngayon na wala namang bago na sa impormasyon na yun.
So eto yung litrato nung burger saka yung dalawang adik na si Ghing at Kath na kuha ni Gugol at nasa kanyang blog sa bentambling.tumblr
|
|
kupal
Mushrooms grow and ants multiply exponentially, here is yet again one of Mariano Juancho's addition to his numerous online accounts.
I am sorry Tumblr, let the bastardizing begin.
|