Victory shall be yours for the taking!
Bale naimbitahan ako ng isa sa mga butihin kong kaibigan nung college sa kanyang kasal sa Baguio.
Pero sa sarili naming gastusin, siyempre. At ito ay gaganapin ngayong February, kasabay na ng Flower Festival.
Bale tatlo kameng pupunta dun tapos ako ang naatasang magpa-reserve ng mga shit sa hotel at sa transportasyon. Maswerte namang naka-book na ang pangalan namen na nauna nang inasikaso ng maswerteng bride para sa mga bisita.
So, nagpareserve ako ng biyahe ng bus sa Victoryliner (http://www.victoryliner.com/reservations/) para swabe na ang lahat pagdating ng February.
Tapos, eto ang nakuha kong resulta.

Exhibit A: Greasy is an understatement
Bale eto yung reservation papunta, tapos yung reply nila eh yung nasa taas. Gusto namin na regular lang ang bus papunta, at Deluxe na yung pauwi para swabe ang pahinga.

Exhibit B: Reversal of orders
So ang nangyare lang naman, yung reservation ko papunta, eh napunta sa pabalik at ganun din naman sa isa.
Although inaasahan kong hindi perkpekto ang online reservation system, nakakatawa namang isipin na simpleng delegation lang ng order eh nagbaligtad pa.
Hindi ko na din kinumpirma kung ganyan nga ba talaga yan, dahil first time ko naman nag-book online. Pero para sigurado, kinansel ko na siya sa pamamagitan nang pangde-deadma sa bayaran. Huwag lang sana akong kasuhan ng estafa ng Victory Liner.
On the other hand, dapat binayaran ko na din pala yung Deluxe dahil mas mura ang sinisingil saken. Kaso baka naman pagkatulog namen sa bus, nasa Baguio pa din kame pagkagising.
Uulitin ko na lang ang reservation, at iisa-isahin ko na lang para hindi maghalo ang balat sa tinalupan.
Pwede ka nga palang magbasa ng mas mahaba at ingles na mga sinusulat ko sa http://huwanstoriffic.blogspot.com/
Salamat.